2025 Luzon Regional Scientific Meeting, idinaos sa Alfonso Cavite

📅 May 21, 2025 8:51 AM PHT  |  ✏️ Updated September 20, 2025 10:13 PM PHT
Photo Courtesy: Maricon Rodriguez

Naging matagumpay ang pagsisimula ng “Luzon Regional Scientific Meeting” o RSM, kahapon ika-20 ng Mayo sa Alfonso, Cavite.

Pinangunahan ito ng National Academy of Science and Technology, Philippines (NAST PHL) at DOST-CALABARZON.

Ang Luzon RSM ay may temang “Bioscience Innovations: Transforming Enterprise Ecosystems for Wealth Creation” na naglalayong itampok ang papel ng “bioscience” sa pagpapalakas ng lokal na kabuhayan, pangangalaga ng kalikasan, at pagpapaunlad ng edukasyon at hanapbuhay.

ADVERTISEMENT

Tinalakay ‘rin dito ang mga programang nakatuon sa mga sektor na nasa laylayan ng lipunan upang makatugon sa mabilis na pagbabago sa pamamagitan ng siyensya at teknolohiya.

Samantala, ang RSM ay bahagi ng serye ng mga pagpupulong kasunod ng Mindanao RSM na idinaos sa General Santos City noong March 26-27, at Visayas RSM para sa Visayas na isinagawa naman noong April 29-30.

Sa kabilang banda inaasahang magbubunga ang RSM ng mga impormasyon at rekomendasyong makatutulong sa paghubog ng mga patakarang nakabatay sa agham at teknolohiya para sa ikabubuti at ikauunlad ng buong bansa.