Natagpuan sa loob ng UP College of Medicine sa Pedro Gil street sa UP-PGH sa Maynila ang dalawang vintage bomb at isang granada hapon nitong Lunes, July 8.
Ayon sa Manila Police EOD K-9 unit, nadiskubre ito ng mga construction worker habang naghuhukay para sa septic tank.
Ayon kay Police Chief Master Sergeant Ernesto Rivera Jr., kinilala ang mga pampasabog na 75 millimeter projectile explosive na may 16 meters na casualty radius kapag sumabog at isang type 79 Japanese hand grenade.
Babala ng mga otoridad, bagama’t luma at kalawangin na ang mga ito, posible pa rin itong sumabog at makamatay.
ADVERTISEMENT
Sa ngayon, nasa isang ligtas na pasilidad na ang mga natagpuang bomba at nakatakdang pasabugin para sa disposal operation.



