Nasawi ang dalawang sibilyan, kabilang ang isang batang apat na taon, sa naganap na armadong engkwentro sa Barangay Cristobal, Calamba City noong October 15.
Ayon kay Lt. Col. Dennis de Guzman ng Calamba City Police Station, balak bigyan ng warrant of arrest ang isa sa mga suspek na kinilalang si alyas “Regie” na kilala bilang isang most wanted person sa Laguna.
Napaulat na armado ng mga baril, kabilang ang isang shotgun, revolver, at kalibre .45 ang mga suspek.
Dalawang pulis at batang nakatambay lang sana ang lubhang nasugatan sa palitan ng putok ng mga suspek at mga awtoridad.
ADVERTISEMENT
Nakita naman ang mga labi ng diumano’y isa sa mga suspek sa lugar, hawak-hawak ang baril nito.
Humaharap ang mga suspek sa patong-patong na kaso, kabilang ang two counts ng murder, frustrated murder, resisting arrest, disobedience to lawful orders, at illegal possession of firearms. (Denniel Salayo/ News Light)




