2 research vessel ng China, muling namataan sa EEZ ng Pilipinas

📅

Muling namataan ang dalawang research vessel ng China sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), namataan sa 180 nautical miles mula sa Rizal, Palawan ang isang barko ng China.

May remotely operated vehicle na pang-survey sa ilalim ng dagat ang naturang barko.

Habang ang isa naman ay namataan sa 132 nautical miles ng Burgos, Ilocos Norte.

ADVERTISEMENT

Ayon sa PCG, hindi sumagot sa radio challenge ang dalawang Chinese vessel.