Hawak na ng Manila Police District ang dalawang persons of interest kasunod ng pamamaril sa dalawang Japanese Nationals sa Malate Maynila nitong Biyernes.
Ayon sa mpd kinilala ang supect number one bilang gunman na namataang naglalagi sa Pedro Gil Street sa tulong ng mga cctv footages sa lugar.
Ang suspect number two naman ay ang kasamahan nito na umanoy nagsilbing tour guide. Ipinangako naman ng Manila City Government ang pakikipag ugnayan para agarang makamit ang hustisya ng mga biktima habang ipinangako ang mas maigting na pagbabantay para sa seguridad sa lunsod.
Samantala nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Japanese Embassy sa Pilipinas sa mga naulilalang pamilya ng dalawang hapon.



