
Arestado kaninang umaga ang isa sa dalawang miyembro ng “Spiderman Gang” matapos masapul sa CCTV ang pagnanakaw sa kable ng kuryente sa bahagi ng Brgy. Mayamot, Antipolo City, Rizal.
Itinago ang suspek na nagsilbing look out sa alyas “Totoy”, menor de-edad, at nakatakdang i-turn over sa pangangalaga ng DSWD.
Ayon sa pulisya, inakala pa ng nakakita sa insidente na nag-aayos lamang ng kuryente ang dalawa subalit nang kumpirmahin sa footage, kawatan pala ang mga ito.
Patuloy namang tinutugis ng awtoridad ang isa pang suspek na nasa 21-anyos ang edad.



