Hinatulan na ng isang korte sa Oxford ang dalawang lalaking sangkot sa pagnanakaw ng isang gintong inidoro noong 2019 mula sa Blenheim Palace —ang lugar kung saan ipinanganak si Winston Churchill, dating prime minister ng United Kingdom.
Si James Sheen, 40 taong gulang, ay sinentensiyahan ng apat na taong pagkakabilanggo, na idadagdag sa nauna na niyang sentensiyang 19 taon at 4 na buwan dahil sa iba pang kasong panloloob sa mga ATM at museo.
Si Sheen umano ang gumamit ng maso upang tanggalin ang inidoro na gawa sa purong ginto.
Sa kabila ng pagkakahuli, hindi pa rin natatagpuan ang naturang inidoro hanggang sa ngayon.