Kinumpirma ng Bangsamoro Ministry of Health ang dalawang kaso ng mpox o monkeypox sa Maguindanao del Norte ngayong linggo, habang binabantayan ang anim pang posibleng kaso.
Ayon kay Dr. Kadil Sinolinding, ang mga pasyente ay isang 59-anyos na babae mula Sultan Kudarat at isang 28-anyos na babae mula Datu Odin Sinsuat, na parehong gumaling na sa kumpirmadong mpox.
Isinasagawa na ang contact tracing para sa kanilang mga nakasalamuha kamakailan.
Ang anim na hinihinalang kaso ay mula sa Cotabato City, Sultan Kudarat, Parang, at Datu Montawal, at kasalukuyang sumasailalim sa confirmatory testing sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Maynila.
Hinimok ng ahensya ang publiko na agad i-report ang anumang sintomas upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.