2 driver na sangkot sa road crash na ikinasawi ng isang siklista sa Pasig City, arestado na | News Light

📅 June 26, 2025 02:27 PM PHT  |  ✏️ Updated June 26, 2025 02:27 PM PHT
👤 Jomar Villanueva  |  📂 Abiso Trapiko, Latest News, News Light

Arestado na ang dalawang driver na sangkot sa road crash sa kahabaan ng Shaw Boulevard sa Pasig City na ikinasawi ng isang siklista.

Pauwi na sana ang 36 years old na biktima sa tahanan nito sa Cainta, Rizal nang mangyari ang road crash.

Gumagamit ng bike lane ang biktima sakay ng kanyang mountain bike nang biglang magbukas ng pinto ang isang L300 van na iligal na nakaparada.

Nasagi ng pinto ang biktima dahilan para gumewang ito at mabangga ng paparating na Fortuner, na agad ikinasawi ng biktima.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, naka-impound na ang mga kotseng sangkot sa road crash.

Sasailalim ang 2 suspek sa inquest proceedings at haharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.

Kaugnay nito, kinalampag ng road safety advocates ang pamahalaan para gawing mas ligtas ang kalsada.

Hindi bababa sa dalawampu’t dalawang mga grupo ang nanawagan sa pamahalaan na ayusin ang mga kalsada para sa mga pedestrian at mga siklista.

Dapat din anilang gawing mas ligtas ang bike lanes para maiwasan ang mga aksidenteng nauuwi sa pagkasawi ng mga siklista.

Dagdag pa ng grupo, hindi nagdudulot ng panganib ang mga siklista sa kalsada kaya hindi sila dapat ituring na second class citizens.