2 dayuhan sa Cavite, timbog sa P6.8-M na halaga ng shabu

📅 June 16, 2025 1:06 PM PHT  |  ✏️ Updated September 20, 2025 10:13 PM PHT
Photo courtesy: PDEA CALABARZON

Kulungan na ang kinabagsakan ng dalawang dayuhan na nakatala bilang “high-value drug personalities” sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA-4A at PNP-Cavite Maritime Police sa isang parking lot ng mall sa Barangay Molino IV, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Khalil,” 30-anyos, magsasaka at alyas “Jamal”, 19-anyos, walang trabaho—kapwa naninirahan sa Quezon City.

Nasamsam sa operasyon ang tinatayang 1,000 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8-M.

ADVERTISEMENT

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.