Pinasinayaan ng Philippine Navy ang dalawang bagong barko kasabay ng pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo ng hukbo.
Bahagi ito ng modernization program para tugunan ang mga kasalukuyan at bagong banta sa seguridad sa karagatan.
Kabilang sa mga bagong gamit ang guided-missile frigate na BRP Miguel Malvar—ang kauna-unahang frigate ng Pilipinas mula South Korea na may modernong sensors at sandata para sa air, ship, at submarine warfare.
Kasama rin ang bagong missile-capable fast attack craft na BRP Albert Majini—ang unang locally assembled missile patrol vessel ng bansa na dinisenyo para sa mabilis na operasyon sa baybayin at mababaw na tubig.
Kasabay nito, nanawagan si Pangulong Bongbong Marcos Jr. na ipaglaban ang soberanya ng Pilipinas sa gitna ng mga banta sa West Philippine Sea.
ADVERTISEMENT
Aniya, walang isusuko ang Pilipinas at hindi pababayaan ang karapatan ng Pilipinas sa international law.



