Arestado ang dalawang suspek sa pagpatay sa kawani ng House of Representatives.
Ayon sa Philippine National Police, kinilala ang mga nahuli bilang lookout at middleman sa pamamaslang kay Mauricio Pulhin, Chief of Technical Staff ng Committee on Ways and Means.
Inaresto ang dalawa sa magkahiwalay na operasyon sa Caloocan at Quezon city at kasalukuyang nasa custody na ng QCPD.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, inamin ng alyas “Balong” na inutusan sila ng mag-asawang may personal na galit sa biktima.
Diumano, nagpaplano si Pulhin na kasuhan ang mga ito ng qualified theft at estafa.
Samantala, apat pang suspek ang pinaghahanap ngayon.