
Patay ang isang 17-anyos na estudyante matapos barilin ng dalawang lalaki habang naglalakad sa Purok 7, Barangay Parian, madaling araw ng Huwebes, ika-17 ng Hulyo.
Kinilala ang biktima sa alyas na “JP,” residente ng Purok 7 Ilaya sa naturang barangay.
Ayon sa imbestigasyon ng Calamba City Police, bandang ala-1:00 ng madaling araw nang harangin si JP ng dalawang lalaking nakasuot ng T-shirt, six-pocket shorts, at naka-baseball caps.
Maya-maya pa ay pinagbabaril na ng mga ito ang biktima saka mabilis na tumakas.
ADVERTISEMENT
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mahuli ang mga suspek at malaman ang motibo ng mga ito sa krimen.



