Kasado na ang ikalawang Trillion Peso March sa November 30 at inaasahan ng mga organizer nito na mas marami ang makikilahok sa kilos-protesta kontra korapsyon.
Ayon kay Trillion Peso March Movement (TPMM) spokesperson Kiko Dee, nasa 120,000 na indibidwal ang inaasahang dadalo.
Sa press conference ng TPMM kahapon, sama-samang hinikayat ng mga religious, civil society, at iba pang grupo ang mga Pilipino na lumahok sa panawagan laban sa korapsyon.
Paglilinaw naman ni Kidapawan Bishop Colin Bagafaro, hindi layon ng kilos-protesta ang pababain sa puwesto ang mga opisyal ng pamahalaan.
Aniya, ang nais ng TPM ay maisiwalat at mapakulong ang mga sangkot sa korapsyon.
ADVERTISEMENT
Samantala, naghahanda na rin ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa gaganaping kilos-protesta.
Nagpulong ang QC LGU, QC Police District, at mga organizer ng memorandum of understanding para sa ikalawang Trillion Peso March.



