12% VAT sa mga non-resident digital service provider, epektibo na ayon sa BIR

📅 June 13, 2025 12:36 PM PHT  |  ✏️ Updated June 13, 2025 12:36 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Konsyumer, Latest News

Kinumpirma ng Bureau of Internal Revenue na epektibo na simula June 1 ang 12 percent vat sa mga non-resident digital service providers gaya ng streaming platforms.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. dapat nang magparehistro online ang mga platforms mag-file ng vat returns at magbayad sa pamamagitan ng digital systems ng BIR.

Habang target ng BIR na makasingil ng higit 10 point 8 billion pesos sa ikalawang quarter ng 2025.

Aminado ang BIR na posibleng magtaas ng presyo ang ilang streaming services pero naniniwala sila na ikokonsidera ng mga kompanya ang epekto nito sa bilang ng subscribers.

Babala rin ng BIR maaring ipahinto ang kanilang serbisyo sa bansa kapag hindi sumunod ang mga platforms sa pagpaparehistro at pagbabayad ng VAT.