Kinumpirma ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na epektibo na simula Hunyo 1 ang 12 porsiyentong Value-added tax (VAT) sa mga non-resident digital service providers gaya ng streaming platforms.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., dapat nang magparehistro online ang mga platform, mag-file ng VAT returns, at magbayad sa pamamagitan ng digital systems ng BIR.
Target ng BIR na makasingil ng higit ₱10.8 bilyon sa ikalawang quarter ng 2025.
Aminado ang BIR na posibleng magtaas ng presyo ang ilang streaming services, pero naniniwala sila na ikokonsidera ng mga kumpanya ang epekto nito sa bilang ng subscribers.
Babala rin ng BIR, maaaring ipahinto ang kanilang serbisyo sa bansa kapag hindi sumunod ang mga platform sa pagpaparehistro at pagbabayad ng VAT.