108 restaurant sa Pilipinas, napabilang sa Michelin Guide 2026 | News Light

📅 November 6, 2025 2:57 PM PHT  |  ✏️ Updated November 6, 2025 5:39 PM PHT

Mga kaakibat, mahilig ka ba mag-restaurant crawling?

Hindi na kailangan mag-isip kung saan ang sunod na food trip dahil higit isang-daang restaurant lang naman sa Pilipinas ang napasama sa Michelin Guide!

Opisyal nang inilabas ang unang edisyon ng Michelin Guide Manila and Environs & Cebu 2026, na nagbigay ng pagkilala sa mga natatanging restaurant sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT

Umabot sa 108 restaurants ang napabilang sa prestihiyosong listahan, kabilang ang mga Bib Gourmand awardees, special award recipients, Green Star honorees, at mga nakatanggap ng isa at dalawang Michelin stars.

Ang bagong listahan ay itinuturing na makasaysayan dahil ito ang unang pagkakataon na kinilala ng Michelin Guide ang kahusayan ng mga restaurant sa Pilipinas.

Layunin nitong ipakita ang kalidad, pagkamalikhaín, at natatanging lasa ng lokal na lutuing Pilipino sa pandaigdigang entablado.