100 student beep cards, ilalabas sa bawat istasyon ng tren bawat araw simula Sept. 22 | News Light

📅

Inanunsyo ng Department of Transportation na maglalabas lamang sila ng 100 discounted beep card sa bawat istasyon ng tren sa Metro Manila sa bawat araw.

Simula ngayong araw, limitado sa 100 estudyante, senior citizen, o PWD ang maaaring makakuha ng 50% automatic discounted na white beep cards sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 stations.

Ayon sa ahensya, ito ay habang isinaayos pa ng AF Payments Inc. ang supply ng naturang beep cards.

Noong Sabado, nagsimula ang on-the-spot printing ng customized beep cards na nagdulot ng pagkadismaya ng ilan na pumila nang hanggang 6 na oras o higit pa para lamang sa beep card.

ADVERTISEMENT

Simula ngayong araw, kung hindi umabot sa 100 bilang na limit, maaaring magtanong sa station supervisor kung saan pa may available at makakasakay ng libre sa tren papunta sa istasyong iyon.

Maglalabas ang DOTr ng anunsyo kung may pagbabago sa schedule at sa limitasyon ng ilalabas na beep card sa mga susunod na araw.