100 Chinese nationals na sangkot sa illegal POGO at scam hubs sa bansa, ipina-deport pabalik ng China

📅 June 18, 2025 12:41 PM PHT  |  ✏️ Updated June 18, 2025 04:31 PM PHT
👤 Billy Torres  |  📂 Balitang A2Z, Isyu ng Bayan, Latest News

Aabot sa 100 Chinese national ang pina-deport ng Pilipinas pabalik sa Shanghai, China bilang bahagi ng pag-aalis sa mga illegal POGO at scam hubs sa bansa.

Naaresto ang mga dayuhan sa mga operasyon sa Cebu, Cavite, Parañaque at Pasay simula pa noong 2024 sa pangunguna ng Presidential Anti-Organized Crime Commission at Bureau of Immigration.

Ayon kay PAOCC Executive Director Usec. Gilbert Cruz, nananatili ang operasyon ng mga POGO sa buong bansa.

Giit niya, kasama sa modus ng ilang dayuhan ang paggamit ng tatlong pangalan kaya nagkakaroon ng aberya sa identification.

Sagot ng Chinese embassy ang gastos ng mga pina-uwing dayuhan.

Umabot na sa 4,000 ang napa-deport na illegal POGO workers, habang mas pagtitibayin pa ang imbestigasyon laban sa transnational crimes gaya ng money laundering.