Good news! May sampung gamot pa ang tinanggalan na ng value-added tax (VAT), ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Kabilang dito ang mga gamot para sa cancer, diabetes, high cholesterol, hypertension, at mental illness.
Wala nang VAT ang oral chemotherapy drug na pinagsama-samang tegafur, gimeracil, at oteracil potassium.
Kasama rin ang gamot na kalimitang nirereseta sa may type 2 diabetes — ang kumbinasyon ng metformin hydrochloride at teneligliptin.
Wala na ring VAT ang atorvastatin na may fenofibrate para sa may high cholesterol.
Kabilang rin ang metoprolol tartrate at ivabradine para sa pagkontrol ng hypertension, at lamotrigine para sa mga may mental illness.