Exempted na sa 12% value-added tax ang 10 pang gamot para sa cancer, diabetes, hypertension at mental illness.
Ayon sa Food and Drug Administration (FDA), bahagi ito ng hakbang para gawing mas abot-kaya ang mahahalagang gamot.
Tinanggal naman ng FDA ang baricitinib tablet na gamot sa cancer mula sa VAT exemption list.
Ang VAT-exempted medicines ay isinusulong sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN) Law at Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.