10-day nationwide voter registration para sa BSKE, magsisimula na bukas | News Light

📅

Magsisimula na muli ang voter’s registration sa bansa bukas, Agosto 1 hanggang Agosto 10.

Isasagawa ng Commission on Elections (COMELEC) ang 10-day nationwide voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakda sa Disyembre.

Bukod sa mga COMELEC offices, magbubukas rin ng voter registration booths sa mga piling mall, ospital, paaralan, at istasyon ng tren.

Maaaring magparehistro mula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon mula Lunes hanggang Linggo.

ADVERTISEMENT

Para sa Barangay elections, dapat ay 18 pataas ang edad upang makapagparehistro.

Samantala, 15 pataas naman dapat ang edad para makapagparehistro sa Sangguniang Kabataan elections.