1 patay, 5 sugatan sa banggaan ng truck sa Tagkawayan

📅  |  ✏️ Updated
Photo courtesy: Bayani Bacuño

Isa ang nasawi habang lima ang sugatan matapos magsalpukan ang dalawang truck sa Quirino Highway sa Barangay Sta. Cecilia, Tagkawayan, Quezon, nito lamang Martes, ika-8 ng Hulyo.

Dahil sa insidente, humambalang sa kalsada ang mga sasakyan na naging sanhi ng halos limang oras na mabigat na trapiko sa lugar.

Samantala, gumugulong pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng aksidente.