Nagbigay ng liwanag sa gitna ng trahedya ang ulat ng isang himalang nakaligtas mula sa bumagsak na London-bound na pasaherong eroplano sa Ahmedabad, India na may sakay na 242 katao.
Tanging si Ramesh Viswashkumar, isang 40-anyos na British national, ang nakaligtas sa pagbagsak ng Air India flight na may 242 sakay sa Ahmedabad, India nitong Huwebes.
Ayon sa pulisya, nakaupo siya malapit sa emergency exit at nagawang tumalon palabas ng eroplano bago ito tuluyang lamunin ng apoy matapos bumagsak sa isang residential area malapit sa paliparan.
Dahil dito, nabigyan ng pag-asa ang mga kaanak ng iba pang pasahero.
Ayon sa mga awtoridad, patuloy ang pagsisikap ng mga rescue team gamit ang mga sniffer dog upang halughugin ang nasusunog at wasak na bahagi ng eroplano.