1 milyong pamilyang Pilipino, target ng ‘Walang gutom program’ ng pamahalaan

📅

Target ng pamahalaan na palawakin ang ‘Walang gutom program’ para mapabuti ang kalagayan ng hanggang isang milyong pamilyang mahihirap.

Sa talumpati ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kumustahan ng mga benepisyaryo ng walang gutom refuel project sa maynila sinabi ng pangulo na aabot sa anim na raang libo ang target na bilang na pamilyang makikinabang dito at nasa 750,000 naman pagsapit ng 2027.

Layunin ng programa, na mabawasan at tuluyang malabanan ang kagutuman sa bansa sa ilalim ng kanyang termino.

May halagang P74 billion ang refuel project na suportado ng asian development bank at ng mga partner-institutions mula France at OPEC.

ADVERTISEMENT

Sa ilalim ng programa, tatanggap ang mga pamilyang benepisyaryo ng P3,000 na food credits bawat buwan sa loob ng 26 na buwan para makabili ng mga pangunahing pagkain sa mga accredited stores.

Layunin din ng proyekto na palakasin ang nutrisyon, kabuhayan at self-reliance ng mga pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng mga sesyong pang-edukasyon at pang-produktibidad.