Target ng pamahalaan na palawakin ang Walang Gutom Program para mapabuti ang kalagayan ng hanggang isang milyong pamilyang mahihirap.
Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon sa kumustahan ng mga benepisyaryo ng Walang Gutom Refuel Project sa Maynila, sinabi ng Pangulo na aabot sa 600,000 ang target na bilang ng pamilyang makikinabang dito at nasa 750,000 naman pagsapit ng 2027.
Layunin ng programa na mabawasan at tuluyang malabanan ang kagutuman sa bansa sa ilalim ng kanyang termino.
May halagang ₱74 billion ang Refuel Project na suportado ng Asian Development Bank at ng mga partner institutions mula France at OPEC.
ADVERTISEMENT
Sa ilalim ng programa, tatanggap ang mga pamilyang benepisyaryo ng ₱3,000 na food credits bawat buwan sa loob ng 36 na buwan para makabili ng mga pangunahing pagkain sa mga accredited stores.
Layunin din ng proyekto na palakasin ang nutrisyon, kabuhayan, at self-reliance ng mga pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng mga sesyong pang-edukasyon at pang-produktibidad.



