Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ₱50 dagdag-sahod para sa mga minimum wage earner sa National Capital Region nitong Lunes, Hunyo 30.
Mula ₱645 ay magiging ₱695 ang sahod ng mga empleyadong hindi pang-agrikultura, at mula ₱608 ay magiging ₱658 naman para sa mga manggagawa sa sektor ng agrikultura.
Sa kabuuan, ang mga manggagawang may limang araw na pasok kada linggo ay madaragdagan ng ₱1,100 kada buwan, habang ₱1,300 naman ang dagdag-sahod kada buwan para sa mga may anim na araw na pasok kada linggo.
Ang nasabing taas-sahod ay inaasahang mararamdaman simula Hulyo 18.
Ayon sa pahayag ng DOLE, ito na raw umano ang pinakamataas na dagdag-sahod na ipinasa ng NCR Wage Board sa kasaysayan.
Matatandaang dati nang naghain ng wage order para sa NCR noong Hunyo 2023 na nagdulot ng ₱40 na dagdag-sahod. (Evan Clemente/ News Light)