Nasabat ng Baguio City Anti-Smoking Task Force ang nasa ₱3 milyong halaga ng sigarilyo na mula sa distributor na walang permit para magbenta nito.
Nakumpiska ang 33 na kahon at 62 na pakete ng sigarilyo na ngayo’y nasa kustodiya na ng task force.
Muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan sa mga opisyal ng barangay at residente nito na makipagtulungan sa pagpapatupad ng Smoke-Free Baguio.



