Nangako si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga pulis ng Manila Police District (MPD) na makukuha pa rin nila ang kanilang allowance na may kabuuang halagang ₱26 milyon.
Sa conference ng MPD District 1, sinabi ni “Yorme” na kasama niya si Vice Mayor Chi Atienza sa paghahanap ng pondo upang maibigay agad ito sa mga pulis.
Dagdag pa ni Domagoso, maghintay lamang dahil nabigla ang pamahalaang lungsod sa laki ng utang na namana mula sa nakaraang administrasyon sa ilalim ni Mayor Honey Lacuna.
Sa kabila nito, nanawagan ang alkalde sa mga pulis na tutukan ang paglilinis sa Maynila—na itinuturing niyang pangunahing problema ng lungsod sa ngayon—habang pinananatili ang kaayusan at kapayapaan.