₱20k halaga ng libreng gamot, maaari nang matanggap ng PhilHealth members | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Maaari nang makatanggap ng hanggang sa ₱20,000 halaga ng libreng gamot, maaari nang matanggap ng PhilHealth members halaga ng gamot ang mga miyembro ng PhilHealth.

Simula kasi noong Agosto 21, epektibo na ang Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment (GAMOT) program ng ahensya.

Para makakuha ng libreng gamot, kailangan ang PhilHealth identification number o ang katibayan na rehistradong PhilHealth member na ang isang indibidwal.

Matapos nito, magparehistro sa PhilHealth Yaman ng Kalusugan Program para Malayo sa Sakit (YAKAP) program sa pamamagitan ng eGov app, ng PhilHealth member portal, o maaaring pumunta sa PhilHealth office o YAKAP clinic.

Ang doktor na titingin ang siyang magrereseta ng gamot at maaari nang makakuha ng gamot sa accredited GAMOT provider.

ADVERTISEMENT

Matapos nito, maaaring pabalikin ng doktor ang miyembro sa YAKAP clinic para mabantayan ang kondisyon at para sa follow-up na check-up.