Arestado ang isang high-value individual sa ikinasang buy-bust operation ng Pagsanjan Municipal Police Station at PDEA Region 4-A kahapon ng madaling-araw, November 16, sa Brgy. Poblacion Dos, Pagsanjan, Laguna.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Pagsanjan MPS ang naarestong suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa isasampang kaso laban dito, dahil sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Makaraang masakote ito sa inilatag na buy-bust operation ng Pagsanjan Drug Enforcement Unit at PDEA 4-A matapos magbenta ito ng hinihinalang shabu sa pulis na nagpanggap bilang poseur buyer.
Kinilala ni PCol. Jonar R. Yupio, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas Niko, residente ng Pasig City, Metro Manila.
ADVERTISEMENT
Sa ulat ni PMaj., nakumpiska kay alyas Niko ang dalawang piraso ng knot-tied plastic bag at dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuoang timbang na humigit-kumulang 200 gramo, na may standard drug price na aabot naman sa halagang ₱1,360,000. (Kevin Pamatmat/News Light)



